MGA HALIMBAWA NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA SULATIN

 

Ang Teknikal-Bokasyunal na sulatin 

                          sa 

Filipino sa Piling Larang



MGA HALIMBAWA:

  • Manwal - naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. 
  • Liham pangnegosyo - Karaniwang ito ay liham mula sa isang kompanya para sa isa pang kompanya, o sa pagitan ng mga organisasyon at kanilang kostumer, kliyente at iba pang panlabas na partido.
  • Flyers/leaflets - Ay uri ng nakasulat na adbertismo o patalastas na ang layuning ay para sa malawak na distribyusyon at karaniwan ibinabahagi sa pampublikong lugar sa mga indibidwal o sa pamamagitan ng selyo.
  • Deskripsyon ng produkto - pagpapakilala at pagbibigaykatangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili.

                                                                    Manwal:
Liham pangnegosyo :

Flyers/leaflets :

Flyers/leaflets

Deskripsyon ng produkto:






Ang iba pang mga teknikal na sulatin:

  • Feasibility study -Pag-aaral na isinasagawa bago lumikha ng isang negosyo o proyekyo.
  • Naratibong ulat -Ito ay isang ulat sa parang naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang narrative report mula sa ibat-ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa Gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisayon o institusyon.
  • Paunawa/ Babala at Anunsyo -Nagbibigay impormasyon sa mga nakakabasa nito. -Nakatutulong ang mga babala upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanaisnis na pangyayari para sa isang indibidwal.
  • Menu ng pagkain -Talaan ng mga pagkain mabibili sa isang karinderya, fast food o restaurant. -- - - nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat pagkain upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot kaya para sa kanila.



By: MJ Chang

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin